Thursday, December 10, 2009

KAKO FILIPINO

"SITSIRYA"
Ang sitsirya ay isang uri ng pagkain na gawa sa Pilipinas. Bihira itong makita sa pampublikong lugar. Ito ay kuha mula sa Kulturang Filipino na matatagpuan sa SM Makati. Madalas itong kinakain ng mga kabataan lalo na kapag nagkakasiyahan o kahit nagpapalipas oras lamang.


"TINALAK"

Ito ay isang uri ng Tela mula sa hibla ng Abaca. Ginawa ito ng Tribong T'boli mula sa katimugang Pilipinas. Ang kawayan na ginamit ay nakakadagdag ng tibay, kagandahan at garbo. Ang tinalak ay makikita sa tagiliran ng lalagyan ng retrato o mas kilala sa tawag na "picture frame".



"MALAKAN'YAN"
( Coconut Wine )
Isang inumin na gawa ng Kahal Banahaw Foundation sa probinsya ng Quezon noong 1998 na mas kilala sa pangalang "KAHAL". Ito ay mula sa sariwang katas ng niyog na may lalagyan na gawa sa "Coconut shell" at may anyong puti. Ito ay maari ring maikupara sa inuming "Lambanog" na isa din sa tradisyunal na uri ng alak sa piling probinsya. Maraming nakapagsabi na ito'y may lasang pait at amoy na maikukupara sa isang "rubbing alcohol". Naganap ang "WINE TASTING CONTEST" sa SM Megamall at nagwagi bilang isa sa mga pinakamasarap na inumin.


"LUKSONG LUBID"
Ito ay isang pangkaraniwan na Larong Pinoy kung saan kadalasang nilalaro ng dalawa o tatlong Kabataan. Ang lubid ay gawa sa abaka. Kuha din ito sa Kulturang Filipino na matatagpuan sa SM Makati.


"HIYAS"
Ito ay isang palamuti sa katawan ng tao.Ang alahas ay yari sa mahalagang ginto,pilak at may nakalakip na mahahalagang hiyas na may kaurian na totoong mahalaga.

"GITARA"

Kakaibang gitara ito dahil kung ito'y titignan ninyong maigi makikita niyo na nakasulat dito ang ating pambansang awit na bihirang makita sa iba pang mga gitara. Nais ipahiwatig nitong gitara na ito na sa bawat awitin na ating tutugtugin o lilikhain ay dapat gawin natin ito para sa mga Pilipino.


"TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN, UMPISAHAN NATIN ITO SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO"




Elizabeth Landingin
Bea Rapisura
Precious Clado
Carmina Cruz
Nico Pamintuan
Glorinda Serapio

1-EMID
College of Commerce and Business Administration
University of Santo Tomas